Wednesday, February 1, 2012

Mga natutunan natin sa ating mga magulang:

1. HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.” 

2. RELIGION:
 “Kapag ‘yang mantsa di natanggal sa damit ko, magdasal ka na!” 

3. LOGIC:
 “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.” 

4. MORE LOGIC:
“Pag ikaw nalaglag diyan, ako lang mag-isa ang manonood ng sine.” 

5. IRONY:
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!” 

6. CONTORTIONISM:
“Tingnan mo nga ‘yang dumi sa likod mo, tingnan mo!!!” 

7. STAMINA:
“Wag kang tatayo diyan hangga’t hindi mo nauubos lahat ng pagkain mo!” 

8. WEATHER:
“Lintek ka talaga, ano ba itong kwarto mo, parang dinaanan ng bagyo!” 

9. CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maaari rin kitang alisin sa mundong ito.” 

10. BEHAVIOR MODIFICATION:
Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!” 

11. GENETICS:
” Nagmana ka nga talaga sa ama mong walang hiya!” 

12. ENVY :
” Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ka ba nagpapasalamat at mayroon kang magulang na tuladnamin?” 

13. ANTICIPATION:
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!” 

14. RECEIVING:
 “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!” 

15. DETERMINATION:
“Hanapin mo ‘yung pinahahanap ko sa iyo, pag di mo nahanap, makikita mo!” 

16. HUMOR:
“Kapag naputol ‘yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin atlulumpuhin kita!” 

17. At ang pinakamahalaga sa lahat, JUSTICE :
“Balang araw magkakaroon ka rin ng anak. Tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!”


>>hahaha .. lapastangan!! #lols